Mukhang mapapahiya si Ginoong Carlos Celdran sa ginagawa niyang pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa kasaysayan, dahil sa kabila ng pag-angkin niya ng pagiging isang historyador ay sinasang-ayunan niya at ipinamamahagi sa iba ang impresyon na ang isang Padre Damaso ay katulad ng maling pagkakilala ng marami sa kanya sa panahong ito.
Pinatunayan ng isang totoong eksperto sa kasaysayan na ang imahe ng Padre Damaso na kilala ng mga Filipino ngayon ay isang maling larawan. Pero sa kabila noon, ang larawang iyon ang iminumungkahi ni Ginoong Celdran, at lalo pa niyang ginawang popular ang kamaliang ito nang gamitin niya ito para ilarawan ang inaakala niyang pag-abuso ng mga obispo sa kanilang kapangyarihan laban sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill.
Sa Inquirer ay ganito ang paglilinaw na ginawa ng kolumnistang si Ambeth Ocampo:
In the opening chapters of the “Noli,” Rizal described Padre Damaso as “a Franciscan, talks much and gesticulates more. In spite of the fact that his hair is beginning to turn gray, he seems to be preserving well his robust constitution, while his regular features, his rather disquieting glance, his wide jaws and herculean frame give him the appearance of a Roman noble in disguise and make us involuntarily recall one of those three monks of whom Heine tells in his ‘Gods in Exile,’ who at the September equinox in the Tyrol used to cross a lake at midnight and each time places in the hand of the poor boatman a silver piece, cold as ice, which left him full of terror.
“But Fray Damaso is not so mysterious as they were. He is full of merriment, and if the tone of his voice is rough like that of a man who has never had occasion to correct himself and who believes that whatever he says is holy and above improvement, still his frank, merry laugh wipes out this disagreeable impression and even obliges us to pardon his showing to the room bare feet and hairy legs that would make the fortune of a Mendieta in the Quiapo fairs.” (Derbyshire translation)
Rizal is almost fond of Damaso. Read the novel to see the real villain: the evil friar is not Damaso but his replacement Father Salvi who lusts after Maria Clara and engineers an accident that would have killed Ibarra during the laying of the cornerstone of his school. Failing in that, he instigates a rebellion and implicates Ibarra. The fat, sex-starved, corrupt friar is not Rizal’s Fray Damaso, but Graciano Lopez Jaena’s “Fray Botod.”
One can argue that the characters of Rizal’s novels have taken on a life of their own in our consciousness. Well, it’s a pity that we have a national hero who wrote a lot for a nation that does not read.Dahil dito kaya pinalitan ng Wikifilipinas ang bersyon nito ng pagkakilala kay Padre Damaso at sa halip ay inilagay ang mas makatotohanang paglalarawan ni Ginoong Ocampo. Pero sa Tagalog na bersyon ng nasabing website ay may kamalian pa rin:
Nabatid ni Ibarra na nakabangga ng kaniyang ama si Padre Damaso, na humiya at pumaslang sa matanda.Ang konklusyong ito ay hinango mula sa Filipiniana.net na naglathala ng maling salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng buod na sinulat ni Soledad S. Reyes sa wikang Ingles. Ayon sa "Noli", bagamat si Padre Damaso ang nagpabilanggo kay Don Rafael, ang ama ni Crisostomo ay hindi pinaslang kundi namatay dahil sa malubhang karamdaman:
Ang m~ga pagtitiis n~g hirap, ang m~ga samâ n~g loob, ang m~ga pagdarálitâ sa bilangguan, ó ang canyáng pagpipighatî n~g canyáng mapanood ang gayóng caraming gumaganti n~g catampalasanan sa guinawâ niyá sa caniláng m~ga cagalin~gan, ang siyáng sumirà sa catibayan n~g canyáng catawang bacal, at dinapúan siyá, niyáng sakít na ang libin~gan lamang ang nacagagamot. At n~g matatapos na ang lahát, n~g malapit n~g tamuhín niyá, ang cahatuláng siyá'y waláng casalanan, at hindî catotohanang siyá'y caaway n~g Bayang España, at di siyá, ang may sala n~g pagcamatáy n~g máninin~gil, namatáy sa bilanggúang walâ sino man sa canyáng tabí. Dumatíng acó upang mapanood ang pagcalagót n~g canyáng hinin~gá.Maaaring may emosyonal na dating sa kanyang mga tagahanga ang paggamit ni Carlos Celdran ng salitang "Damaso" pero ang kanyang kamaliang pangkasaysayan -- sa kabila ng kanyang pagiging "gabay" -- ay nagbibigay duda sa kanyang kredibilidad at kakayahang magbahagi ng tumpak na impormasyon. Paano kung ang masigasig niyang pagsuporta sa RH Bill ay bunga rin pala ng maling akala? Malabo bang mangyari ito? Sa palagay ko ay hindi. Dahil sinasabi ng mga tagapagsulong ng panukala na itinuturing nitong krimen ang aborsyon at hindi nila ito pinapayagan, pero ayon sa Philippine Medical Association, ang ilang sa mga contraceptive method na sinusuportahan ng RH Bill ay nagdudulot ng aborsyon. Dahil dito ay maitatanong natin, mali ba ulit ang gabay na ibinibigay ni Ginoong Celdran sa kanyang mga tagasunod?